Bagong Polymer Bills na ilalabas sa Lunes wala ng bayani

President Ferdinand Marcos Jr. receives the "First Philippine Polymer Banknote Series" from Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. in Malacañang on December 19, 2024

MANILA, Philippines — Ilalabas na sa Lunes ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga disenyo para sa kanilang bagong polymer o plastic na mga banknote na nagtatampok ng mga hayop na katutubo sa Pilipinas bilang kapalit ng mga pambansang bayani.

Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na ang mga bagong disenyo para sa 500, 100, at 50-peso bills na iprinisinta noong Huwebes kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., kasama ang 1000 bill na inilabas noong Abril 2022 ay ang “First Philippine Polymer Banknote Series” na ipinalit sa mga dating disenyo na mga bayani ng bansa.

Ipinaliwanag ni Remolona na magpapataas ng kamalayan ang disenyong naglalarawan ng mga mayamang biodiversity at kultural na pamana ng Pilipinas partikular ang mga ‘native” at ‘protected animals’ , mga halaman at lokal na paghahabi ay nagsisilbing simbolo ng pagkilanlan ng Pilipino na maipagmamalaki.

Tampok sa 1000-piso bill ang Philippine eagle at sampaguita flower. Ang 500-peso bill naman ay ang Visayan spotted deer at Acanthephippium mantinianum. Ang 100-piso bill ay may Palawan peacock-pheasant at Ceratocentron fesselii, habang ang 50-piso banknote ay nagpapakita ng Visayan leopard cat at lanutan ni Vidal.

Tampok sa 1000-peso bill ang Tubbataha Reefs Natural Park, South Sea pearl, at ang T’nalak weave design. Ang 500-peso bill ay nagpapakita ng Puerto Princesa Subterranean River National Park, blue-naped parrot, at southern Philippine weave design. Ang 100-peso bill ay nagpapakita ng Mayon Volcano, whale shark, at Bicol Region weave design; habang ang 50-peso ay nagpapakita ng Taal Lake, native maliputo fish, at Batangas embroidery design.

Sinabi naman ni Pang, Marcos na mas tatatagal ang polymer banknote ng hanggang pito at kalaha­ting taon kumpara sa papel na napuputol o hanggang isa’t kalahating taon, na mas makakatipid dahil hindi na kailangan ang madalas na pagprodyus.

Ikatutuwa rin umano ng mga bata na tatanggap ng aginaldo sa Pasko dahil ang bagong bills available na sa Lunes, Disyembre 23 sa Greater Manila habang ang pangkalahatang sirkulasyon ay sa susunod na taon na dahil limitado pa lamang ito sa ngayon.

Show comments