^

Bansa

Pagbiyahe ng relief goods sa mga nasalantang lugar libre na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagbiyahe ng relief goods sa mga nasalantang lugar libre na
Pumabor ang 182 kongresista sa panukala na layong resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makakarating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Pasado na sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10924 o ang “Free Transportation of Relief Goods Act” na nag-aatas na gawing libre ang freight services para sa pagbiyahe ng mga relief goods at donasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Pumabor ang 182 kongresista sa panukala na layong resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makakarating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad.

“This legislation creates a vital partnership between government and the private logistics sector, requiring free freight services for relief goods while providing tax incentives to participating carriers,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“By eliminating transportation costs and streamlining the delivery process, we can ensure that aid reaches disaster victims when they need it most,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Oras na maging ganap na batas, libre na ang freight services sa mga rehistradong organisasyon na magbibigay ng relief operations sa mga sinalantang lugar.

Aalisin na rin ang shipping ­auxiliary costs tulad ng arrastre services, pilotage, at iba pang port charges, pati airport-related fees.

CALAMITY

RELIEF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with