^

Bansa

Biyahe ng LRT-1, 2, MRT-3 hirit gawin hanggang alas-12 ng hatinggabi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng LRT-1, 2, MRT-3 hirit gawin hanggang alas-12 ng hatinggabi
Sinabi ni Cendaña na hindi sapat ang mass transit lines para maserbisyuhan ang mga commuters kabilang ang mga nasa Business Processing Office (BPO) at mga night shift na manggagawa sa Metro Manila.
Interaksyon / Bernard Testa

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang kalbaryo ng daang libong mga commuters lalo na ngayong kapaskuhan, hinikayat ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin hanggang hatinggabi ang operating hours ng Light Rail Transit 1, 2 at Metro Rail Transit 3.

Sinabi ni Cendaña na hindi sapat ang mass transit lines para maserbisyuhan ang mga commuters  kabilang ang mga nasa Business Processing Office (BPO) at mga night shift na manggagawa sa Metro  Manila.

Bukod dito, ayon sa solon ay magpapasko na kung saan marami ang nagkukumahog sa pagbili ng kanilang mga panregalo at iba pa kaya dapat mula sa kasalukuyang hanggang ala-10:30 ng gabi ay gawin ng hanggang alas-12 ng hatinggabi ang operasyon ng LRT 1, 2 at MRT 3.

“Malaking kaginhawaan para sa libu-libo nating night shift and BPO workers kung i-extend natin ang operating hours ng MRT-3 and LRT lines. It’s one way the government can alleviate the unpleasant experience ng pag-commute sa Metro Manila,” ani Cendaña.

Sa kasalukuyan ang LRT-1, 2 at MRT-3 ang tanging rail lines na nago-operate sa Metro Manila na nagse-serbisyo sa tinatayang nasa 323,000, 140,000 at 357,000 (ayon sa pagkakasunod) mga pasahero kada araw. Samantalang patuloy pa ang konstruksiyon ng MRT 7 at Metro Manila Subway line.

“Isipin natin na lalo lang din sisikip ang traffic ngayong holiday season. Dagdag parusa ‘yan sa ating mga commu­ters. Ibigay na natin ito sa kanila bilang maagang pamasko,” giit ng solon.

Dapat din aniyang magdagdag ng mga ro­ving security personnel ang LRT Lines at MRT-3 para maging ligtas ang mga commuters na bumibiyahe sa disoras ng gabi.

“May dagdag benepisyo rin ng kaligtasan ang pag-extend ng MRT-3 and LRT Lines opera­ting hours. Kung nasa loob ka ng istasyon ng mga tren at least may security guards, well lighted ang stations, at may CCTV pa. Kung i-extend pa natin ang operating hours ng ating mga mass transit lines mababawasan yung risks sa pag-commute sa gabi,” punto pa ni Cendaña.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with