Palasyo nagtalaga ng mga caretaker sa UAE trip ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Nagtalaga ang Malakanyang ng caretaker ng bansa habang nasa United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa working visit.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez, na sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang itinalagang caretaker ng Pilipinas.
Si Marcos ay nasa UAE para makipagkita kay His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the UAE Ambassador Alfonso Ver na ang pagbisita ni Marcos ay nagmamarka ng isang makabuluhan at simbolikong hakbang sa kasaysayan ng ating relasyon, habang ipinagdiriwang natin ang ika-50 anibersaryo ng pormal na ugnayang diplomatikal sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE.
Umaasa naman ang Palasyo na malalagdaan ang isang kasunduan sa pagbisita ni Marcos sa UAE.
Matatandaan na si Vice President Sara Duterte ang itinatalagang caretaker ng bansa kapag nasa official trip si Marcos.
- Latest