Ex-political officer ni Pangulong Marcos tumanggap ng Lingkod Bayan Awards 2024
MANILA, Philippines — Pinarangalan ng prestigious award body na Gawad Pilipino Lingkod Bayan Award 2024 si Senior Political Officer Gerald Dequina bunsod bilang pagkilala sa ambag nito sa pulitika at pagbibigay serbisyo sa bayan.
Personal na tinanggap ni Dequina ang parangal bilang Outstanding Public Servant sa kategorya ng Senior Political Officer na ginanap sa AFP Commissioned Officer Club House sa Quezon City.
Nagpasalamat naman si Dequina sa bumubuo ng naturang award body kasabay ng pahayag na mas lalo niyang ipag-iibayuhin ang kanyang pagsisilbi sa bayan upang higit na mahatid sa bawat mamamayan ang dapat na serbisyo at programa ng pamahalan sa bawat mamamayan nito.
Bilang political officer, ai Dequina ay naging daan ng mga mambabatas at gayundin ng mga pinuno ng ahensya ng pamahalaan upang maibigay o maihatid ang tama at sapat na serbisyo sa mga local government unit (LGU’s) hanggang sa mga mamamayan nito.
Si Dequina ay naging political officer nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., Sen. Juan Miguel Zubiri at marami pang ibang mga mambabatas.
Kasalukuyang political officer ng tanggapan ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.
Aminado si Dequina na isa din sa kanyang inspirasyon sa patuloy na pagbigay serbisyo sa bayan at pagtulong sa mamamayan ay ang kanyang dating boss na si Pangulong Marcos.
- Latest