Pangulong Marcos pupuntang UAE

Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Tutulak patungong United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa isang araw na working visit.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), makikipagpulong si Pangulong Marcos kay UAE President, His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi Martes ng hapon, Nobyembre 26.

“It is expected that these productive dialogues will lead to agreements that will deepen the ties between the two countries, forging areas of cooperation that mutually harness their shared values and common interests,” ayon sa PCO.

Nagpasalamat din si Marcos sa pamahalaan ng UAE sa pagbibigay ng pagkakataon na maipakita ang talento ng mga Filipino sa kanilang lugar.

Bagamat maiksing panahon lamang ang pagbisita niPangulong Marcos sa UAE, sinabi ng PCO na makakalikha na ito ng masustansya at malakas na ugnayan ng dalawang bansa.

Humingi rin ng pang-unawa si Pangulong Marcos sa mga Filipino na nasa UAE na hindi niya makakasama ang mga ito dahil kailangan niyang agad na bumalik ng Pilipinas para atupagin at asikasuhin ang mga komunidad na sinalanta ng anim na magkakasunod na bagyo. (Gemma Garcia)

Show comments