^

Bansa

VP Sara matatanggal sa puwesto sa mga banta kay Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
VP Sara matatanggal sa puwesto sa mga banta kay Pangulong Marcos
Vice President Sara Duterte on June 19, 2024.
Photo courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Naniniwala si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na posibleng matanggal bilang bise presidente ng  bansa si VP Sara Duterte kasunod ng kanyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Gadon, irerekomenda niya sa mga Kongresista na ideklarang ‘incapacitated’ o’ wala nang kakayahang mamuno si Duterte matapos ang mga binitawan nitong pahayag na siya ay kumausap na ng “assassin” para patayin si PBBM

“Her threats to kill the President, the First Lady, Liza Araneta Marcos and Speaker Martin Romualdez is a clear manifestation of an unstable mind and abnormal thinking, so therefore she is mentally incapacitated,” ani Gadon.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa pulong-balitaan nitong Biyernes matapos dalawin ang kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez na inilipat sa 

St. Lukes hospital matapos makulong sa House detention facility.

Paliwanag pa ni Gadon, dalawa ang paraan upang matanggal ang Vice President ng House of Representatives, bukod sa pagdideklarang ito ay ‘incapacitated na’, maaari rin itong tanggalin sa pamamagitan ng impeachment.

Ito raw aniya ay sa kadahilanang ‘di maipaliwanag ni VP Sara kung saan napunta ang daang milyong ‘confidential funds’ ng kanyang opisina.

POVERTY

PRESIDENTIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with