^

Bansa

Ni-raid na BPO sa Bataan, hindi POGO – lawyer

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ni-raid na BPO sa Bataan, hindi POGO – lawyer
Drone shot shows buildings of a suspected illegal Philippine offshore gaming operator within the freeport zone in Bagac, Bataan on October 31, 2024
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na hindi saklaw ng hurisdiksyon nila ang Central One Bataan PH Inc. para legal na makapag-operate bilang isang business process outsourcing firm.

Ito ang inihayag ni Atty. Joseph Lobo, regulatory officer ng PAGCOR sa isinagawang pulong ng Bataan Provincial Peace and Order Council na pinangunahan ng Chairman ng Bataan Peace and Order Council at Bataan Gov. Joet Garcia.

Dumalo rin ang mahigit 10 mula sa 300 ­empleyado ng Central One Bataan PH na nagkuwento ng kanilang hindi malilimutang mga karanasan sa isinagawang raid ng combined forces ng PNP Region 3, CIDG at AFP sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Wala namang ipinadalang kinatawan ang PAOCC kahit na ayon sa DILG, ay pormal nilang i­nimbitahan si PAOCC Executive Director Gilbert Cruz

Sa naturang pulong, iginiit ni Atty. Cherry Anne Dela Cruz na hindi POGO hub ang Central One Bataan PH at saklaw ng AFAB ang regulasyon sa mga operasyon at hindi ito sakop ng direktang pangangasiwa ng PAGCOR.

Sinabi rin niya na ang pasilidad ay sumusunod sa mga patakaran ng BPO at hindi nakikilahok sa online gambling.

Patunay umano ito na walang basehan ang naging raid ng PAOCC sa naturang BPO Company.

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with