Pag-amin ni Digong sa quad comm pinasusuri na ni Pangulong Marcos sa DOJ, PNP

MANILA, Philippines — Pinasusuri na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) ang mga naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing ng Quad committee sa Kamara kaugnay sa kanyang war on drug campaign.

Sinabi ng Pangulo na kumikilos na ang PNP at hinihintay na lamang nila ang findings nito

Subalit giit ng Pangulo, lahat ng testimonya na binigay sa quad comm hearing nitong Miyerkules ay isasaalang-alang at susuriin sa legal na paraan kung tunay at kung ano ang kahihinatnan ng mga pahayag ni dating pangulong Duterte.

Maari rin aniyang magresulta ang mga pahayag ng dating pangulo sa paghahain ng kaso laban sa kanya.

Giit pa ng Pangulo, lagi silang nakamonitor dito dahil ang mga katanungan tungkol sa extrajudicial killings o EJK ay hindi pa rin nasasagot kung sino ang mga responsable dito.

Maging ang mga magulang aniya na biktima ng EJK na dumalo sa quad comm hearing ay hanggang ngayon hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa mga pumatay sa kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Show comments