^

Bansa

Suporta ng Pinoy matatag kay Pangulong Marcos, pagtingin kay VP Sara nagbago – RPMD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matibay at tuloy-tuloy pa rin ang suporta ng mga Pinoy para kay Pres. Bongbong Marcos Jr., ayon sa ‘Boses ng Bayan’ survey para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc.

Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarter’s results.”

Kay Vice Pres. Sara Duterte ay nagpapakita ng pagbabago sa damdamin ng publiko na nakakuha ng 69% ‘trust rating’ at 63% ‘approval rating’, na bumaba ng 7% at 8%.

Ang disapproval ay tumaas sa 17% para sa ‘trust’ at 15% ‘job performance’, at mayroong 14% na undecided sa ‘trustworthiness’ at 22% sa performance.

Ayon kay Dr. Paul Martinez noted “that while her ratings remain above the majority threshold, these shifts highlight evolving public expectations that the Vice President may need to address.”

Nagpapakita rin ng malakas na suporta ang publiko para kina Senate President Chiz Escudero-69% trust rating at 67% job performance score. Habang si House Speaker Martin Romualdez, ay nakakuha ng 75% trust rating at 73% job satisfaction score.

Ang survey ay isinagawa mula Setyembre 20-31, 2024 sa 10,000 kalahok.

RPMD FOUNDATION INC.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with