200 high value inmates sa NBP, gamit crypto sa illegal drug trade

MANILA, Philippines — Dahil sa paggamit ng cryptocurrency, may 200 high value inmates na sangkot sa illegal na droga ang ililipat ng bagong pasilidad.

Sa press briefing sa Malakanyang, ibinunyag din ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ang pangunahing pinagmumulan ng supply ng illegal na droga sa bansa.

Ayon kay Remulla, para hindi mabuko ang mga illegal na gawain ay gumagamit ang mga presong sangkot sa illegal na droga ng crypto currency sa kanilang mga transaksyon.

Mas sopistikado at moderno umano ang ginagamit ngayon para sa distribusyon ng ile­gal na droga at para maitago ito ay guma­gamit na rin sila ng crypto currency.

Dahil dito kaya ang nasa 200 high value detainees na karamihan ay mula sa ibang bansa ang ililipat sa mga bagong pasilidad na ipinatayo ng Department of Justice at Bureau of Corrections.

Tumanggi naman si Remulla na tukuyin ang 200 bilanggo.

Aktibo pa rin aniya ang mga ito sa operasyon ng ilegal na droga sa loob ng Bilibid.

Show comments