MANILA, Philippines — Pinaghahandaan na ang Office of Civil Defense (OCD) ang posibleng worst case scenario sa matinding epekto kaugnay ng banta ng panibagong bagyong Nika at nag-aalburutong Kanlaon volcano na nagbabadya ng mapanganib na pagsabog sa Negros Island sa Western Visayas Region.
Ayon kay OCD Administrator Ariel Nepomuceno, inatasan na niya ang mga opisyal sa OCD Western Visayas na pabilisin ang paghahanda lalo pa at may posibilidad na ang pagsabog ng Kanlaon volcano ay sumabay pa sa banta ng bagyo.
“Preparing for the worst-case scenarios is crucial for saving lives. We must ensure that our response plans are robust and ready to be implemented at a moment’s notice, especially in the face of potential natural disasters,” ayon kay Nepomuceno.
Nitong Sabado ng umaga ang Kanlaon ay nagbuga ng volcanic ash ng mahigit isang oras mula sa summit crater nito.
Sinabi ni Nepomuceno na mahalaga ang papel ng mga Local Government Units (LGUs) para kumilos at tulungan ang kanilang mga constituents lalo na sa pagpapalikas sa mga ito sa permanent danger zone.
Iniulat ang mahinang pagbubuga ng abo ng bulkan sa Sitio Guintubdan. Brgy. Ara-al, La Carlota City. Nanatili naman sa alert level 2 ang sitwasyon sa Kanlaon na nagbabadya ng tulungang pagsabog nito.