One time rice assistance sa mga sundalo, uniformed personnel, aprub ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Pinayagan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng one time rice assistance sa mga sundalo at iba pang uniformed personnel para sa taong ito.

Sa Administrative Order No.26 na nilagdaan ni  Executive Secretary lucas Bersamin, bukod sa mga sundalo, makatatanggap din ng rice allo­wance ang mga miyembro ng Philippine National Police(PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at  Philippine Public Safety College na nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG)

Kasama rin sa mabibigyan ng biyaya ang mga taga Bureau of Corrections na nasa ilalim ng Department of Justice, Philippine Coast Guard gayundin ang National Mapping and Resource Information Authority na nasa ilalim naman ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang distribusyon ng rice assistance ay sisimulan sa susunod na buwan hanggang Marso 2025.

Manggagaling ang bigas na ipamamahagi mula sa local at participa­ting farmers o magsasaka ng Kadiwa ni Ani Kita o KADIWA Program ng Department of Agriculture.

Habang kukunin naman ang pondo sa contingent fund na huhugutin mula sa General Appropriations Act ngayong taon.

Show comments