^

PSN Palaro

NU, FEU laglagan sa huling Finals slot sa SSL

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
NU, FEU laglagan sa huling Finals slot sa SSL
Inaasahang maka­pigil hiningang bakbakan ang masisilayan ng mga volley­ball fans sa knockout semifinal showdown ng dalawang powerhouse squads sa pag-arangkada ng laro sa alas-6 ng gabi.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Agawan sa huling finals slot ang defending champion National University at Far E­astern University sa kanilang sagupaan sa semifinals ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship nga­yong araw sa Rizal Memorial Coliseum.

Inaasahang maka­pigil hiningang bakbakan ang masisilayan ng mga volley­ball fans sa knockout semifinal showdown ng dalawang powerhouse squads sa pag-arangkada ng laro sa alas-6 ng gabi.

Ang mananalo sa Lady Bulldogs at Lady Tamaraws ang makakalaban ng La Salle Lady Spikers sa best-of-three cham­pionship series kung saan ang Game 1 ay papalo sa Nobyembre 22.

Maingay ang mga fans sa social media sa muling pagharap ng Lady Bulldogs at Lady Tamaraws, tinalo ng una ang huli sa 2024 National Invitationals title series, umabot ang paluan sa limang sets.

Determinado ang FEU na makabawi, dahil ang NU din ang nagpatalsik sa kanila sa UAAP Season 86 Final Four may anim na buwan na ang nakalipas.

Mainit ang Lady Tamaraws kung saan galing sila sa seven straight victories kasama ang come-from-behind, 21-25, 25-20, 25-17, 25-17, quarterfinal win laban sa College of Saint Benilde noong Linggo.

“Kailangan naming ga­win is magtrabaho pa rin and gawin ‘yung mga sinasabi ng mga coaches. Maging consistent pa and magtiwala lang sa mga kasama,” ani FEU veteran winger Chenie Tagaod.

Makakasama ni Tagaod sina Alyzza Devosora, Clarisse Loresco, Gerzel Petallo, Jean Asis at setter Tin Ubaldo para isampa sa finals ang FEU.

SSL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with