Kaso vs Duterte, iba pa ikinakasa na ni De Lima
MANILA, Philippines — Takdang magsampa ng kaukukang kaso si dating senador Laila de Lima laban sa mga taong nagsangkot sa kanya sa kasong illegal drug trade sa pangunguna ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni De Lima sa isang press conference sa Quezon City kaugnay ng epektong idinulot sa kanyang buhay at sa pamilya sa pagkakasangkot sa kanya sa drug case.
Ayon kay De Lima, pitong taon siyang nakulong sa piitan na walang kasalanan sa ikinaso sa kanya at napatunayan naman anya na wala siyang kasalanan matapos ma-clear na siya sa mga drug case sa korte.
Inerekomenda rin ni De Lima na dapat ay magkaroon ng threshold of evidence sa mga kaso sa Prosecutors Office pa lamang upang hindi mapahirapan ang mga inosente sa kaso.
Binanggit din ni De Lima na siya ay umaasa na maaksyunan ng Kamara at Senado na mabigyang pansin ang pagbusisi sa Human Rights Defenders Bill na kanyang iniakda upang mapangalagaan ang karapatang pantao ng bawat mamamayan mula sa mga inuusig na inosenteng mamamayan.
- Latest