VP Sara kinalampag sa pagbagsak ng trust, approval ratings
MANILA, Philippines — Kinalampag nitong Sabado ng dalawang lider ng Young Guns sa Kamara si Vice President Sara Duterte sa pagbagsak ng trust at approval rating nito base sa pinakahuling resulta ng survey.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Jay Khonghun at Paolo Ortega, dahil sa hindi maipaliwanag ng paggasta ng pondo sa kaniyang confidential at intelligence funds ay bumagsak ang tiwala ng publiko kay VP Sara.
Sinabi ng dalawang mambabatas na nais ng taumbayan ng paliwanag kung papaano ginasta ni VP Sara ang pondo ng publiko kung saan importante sa mamamayang Pilipino ang transparency at accountability.
“Vice President Duterte’s dropping trust ratings signal a critical problem in the way people see her. When a public official faces controversies that go unexplained, people find it hard to trust them. If these issues aren’t addressed, it could seriously damage her credibility over the long term,” ani Khonghun.
Sa data ng OCTA Research survey, bumagsak ng anim na puntos ang trust rating ni VP Duterte na nasa 59% habang ang performance nito ay bumaba sa 52% mula sa 87% noong 2023.
Tinukoy ni Khonghun ang P15 milyon na umano’y ginasta sa Youth Leadership Summit na itinanggi naman ng AFP dahil ni singko ay wala umano silang natanggap. Gayundin ang paggasta ng P16 milyon sa pagrenta ng safehouses noong huling bahagi ng 2022 pero walang mga dokumento.
“If these controversies aren’t clarified, how can she expect people’s trust in the future? Trust is earned through transparency and accountability, qualities that should be part of every public servant,” ani Khonghun.
“From a high of 87% in March 2023 to 59% today, that’s a big drop…People want leaders they can trust. To keep the public’s confidence, leaders need to be open and transparent,” ani Ortega na iginiit na ang pag-iwas sa isyu ni VP Sara ay nakakasira ng kredibilidad nito at kung nais nitong manatili sa serbisyo publiko ay dapat ipaliwanag ang paggasta ng pera ng taumbayan.
- Latest