Kristine victims sa Batangas, inayudahan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino nitong Huwebes ang pamamahagi ng relief goods sa halos 2,000 pamilya sa apat na munisipalidad sa buong Batangas na ang mga komunidad ay sinalanta ng bagyong Kristine.
Namahagi si Tolentino at ang kanyang grupo ng relief packs sa mga pamilyang nananatili sa iba’t ibang evacuation center sa Talisay, Laurel, Agoncillo, at Lemery – ang mga munisipalidad ng lalawigan na matinding sinalanta ng bagyo.
Sa Talisay, sinabi ni Tolentino sa evacuees na ang kanilang bayan at ang kanyang sariling Lungsod ng Tagaytay ay magkapareho ng hanggahan ng mga kalapit na local government units.
Bumisita rin ang senador sa Talisay nitong Martes para makiramay sa mga biktima ng malawakang landslide na kumitil sa 20 buhay, karamihan ay mga bata.
Nagpaabot din siya ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima at nakiisa sa mga seremonya ng libing para sa kanilang mga mahal sa buhay.
- Latest