Walang Pinoy crew na nadamay sa Houthi attack — DFA

MANILA, Philippines — Walang Pinoy crew na nadamay sa panibagong pag-atake ng Houthi militia sa Red Sea.

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa isang news forum sa Quezon City.

Ayon kay De Vega, sa kanilang pag-iimbestiga ay masuwerteng walang Filipino sa ngayon ang sakay sa oil tanker na nadamay sa pag-atake.

Nauna nang naglabas ng video footage ang Houthi sa kanilang “kamikaze” style attack sa Bri­tish tank Cordelia Moon kung saan gumagamit sila ng isang explosive loaded boat na walang sakay.

Nilinaw naman ni De Vega na may karapatan ang bawat Pinoy seafares na tumanggi para maglayag sa Red Sea.

Sa sandaling tumanggi aniya ang mga marino ay maaari silang pauwiin ng kanilang mga agency.

Show comments