Bong Go umayuda sa mga lolo’t lola
MANILA, Philippines — Namahagi ng mga tulong at suporta ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa kabuuang 700 senior citizens sa Naval, Biliran kasabay ng pagdiriwang ng Senior Citizens’ Day ng bayan.
Sa isang video message, itinampok ni Go ang Filipino cultural value na pangangalaga sa matatanda, na ang pagtulong sa mga senior citizen ay isang kilos na umaayon sa mga tradisyon ng Pilipino.
“Salamat mga lolo at lola. Sana po ‘yung karamihan sa inyo nasa mabuti po ang kalagayan. Alam ko na mahirap po ang inyong sitwasyon. Parati ko pong pinapaalala sa lahat na mahalin po natin ang ating lolo’t lola. Wala po tayo sa mundong ito kundi po dahil sa kanila. At ito po ‘yung panahon na bumawi tayo sa kanila,” idiniin ni Go.
Noong nakaraang Pebrero 28, ang RA 11982, o ang Amendments to the Centenarian Act, na co-author at co-sponsor si Go sa Senado, ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Kasama sa batas ang pagbibigay ng cash gift para sa mga Pilipinong nasa edad 80, 85, 90, at 95, na nagkakahalagang P10,000 bawat isa. Dagdag ito sa umiiral na P100,000 cash gift para sa mga centenarian.
Bilang miyembro ng Senate Committee on Social Justice, binigyang-diin ni Go ang pangako ng gobyerno na pagbibigay pagkilala at reward sa kontribusyon ng mga senior citizen sa ating lipunan.
- Latest