‘White substance’ na iniabot kay Pangulong Marcos, lapel pin — PCO
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga alegasyon tungkol sa umano’y sachet ng “white substance” na iniabot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang sibilyan.
Paliwanag ng PCO na isang lapel pin na may simbolo ng Partido Federal ng Pilipinas ang iniabot ng lalaki na naghihintay na makapag-selfie kay Pangulong Marcos.
Ipinakakalat sa videona isang sachet na naglalaman ng ilegal na droga ang iniabot kay Pangulong Marcos.
Ayon sa PCO, nakadidismaya na ginagamit ang video para ipakalat ang maling naratibo.
Sinabi pa ng PCO na dahil sa pinutol at pina-blur ang video, nagbigay ito ng maling konteksto at nagkaroon ng iba’t ibang haka-haka at pinalalabas na white substance ang laman ng sachet.
Kaya payo ng PCO, mag-isip, magsaliksik at alamin ang buong kwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.
- Latest