^

Bansa

Senate probe ikinakasa vs Quiboloy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang serye ng mga pagdinig na tumagal ng halos 4 na buwan, nakatakdang tapusin ng Senate Committee on Women ang pagsisiyasat nito sa mga ilegal na POGO at mga isyung kinakasangkutan ni dismissed Bamban mayor Alice Guo.

Nakatakdang tapusin ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros  ang pagdinig sa Martes, Setyembre 24.

“Tuesday next week is the continuation of POGO hearing in Committee on Women. Inaasahang ito na ang last sa POGO hearing,” anang tanggapan ni Hontiveros.

Sinabi ng tanggapan ng senador na tututukan naman ngayon ng panel ang mga isyu sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at ang founder nitong si Pastor Apollo Quiboloy, na naaresto noong unang bahagi ng Setyembre.

Sinimulan ng komite ang pagdinig tungkol sa POGO  noong Mayo at kasama sa inimbestigahan ang pagsalakay sa POGO hub sa Bamban, Tarlac noong Marso, kung saan halos 300 dayuhan ang nailigtas para sa umano’y scam farm.

Hinarap ang noo’y nakaupong alkalde na si Alice Guo sa pagsisiyasat ng Senado noong unang bahagi ng Mayo.

Naantad sa pagdinig ang kahina-hinalang background ni Guo, na kalaunan ay nalaman na may parehong fingerprint ng Chinese national na si Guo Hua Ping.

Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Guo na si Stephen David na kapag natapos  na  ng komite ang pagsisiyasat nito, maaari nilang isaalang-alang ang pagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Guo.

ALICE GUO

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with