MANILA, Philippines — Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na private army ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ang sinasabing “angels of death” na nagbabanta sa mga biktima nito ng pang-aabuso at panggagahasa.
Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito’y batay sa testimonya mismo ng mga biktima ni Quiboloy sa kasagasagan ng pagsalakay ng PNP sa KOJC Compound sa Davao City.
Ang mga private army ay kinabibilangan umano ng mga army reservist at militiamen.
“May initial na silang (Police Regional Office 11) pangalan na maaaring miyembro nitong sinasabing ‘angels of death’ na ginagamit para takutin at saktan itong magdi-divulge ng secrets nilang nangyari doon sa loob ng KOJC building,” ani Fajardo.
Ang mga nasabing private army ay naghihintay lamang ng utos mula kay Quiboloy.
Sina Quiboloy at mga kasabwat na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada, at Sylvia Cemañes ay nahaharap sa kasong are facing charges of human trafficking, child abuse, at sexual abuse.
Samantala, nasa higit 10 indibiduwal ang nakatakdang kasuhan ng PNP na ‘kumupkop’ kay Quiboloy.
“May identified nang KOJC officers at kasama (nila), na siguro ‘yung legal representatives niya, who were very vocal from the start na wala sa loob (ng KOJC compound) si Quiboloy,” dagdag ni Fajardo.
Inaasikaso na rin nila ang kanselasyon ng lisensiya ng mga baril ng mga “angels of death” members.