^

Bansa

Harry Roque pugante na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinuturing na ngayong “pugante” sa batas si da­ting Presidential spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs) sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ito’y bunga ng kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong sa imbestigasyon ng Quad Committee.

Hindi sinipot ni Roque ang pagdinig ng Kamara noong nakalipas na Huwebes bunsod para i-contempt ito sa ikalawang pagkakataon at isyuhan ng warrant of arrest.

Nabigo naman ang mga operatiba ng PNP at House Sgt. At Arms na matagpuan si Roque sa address ng opisina nito sa Makati City.

Pinasusumite kay Roque ang kanyang Statement of Asset Liabilities and Net Worth (SALN), tax returns at rekord ng negosyo nito

Si Roque na dating tagapagsalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay sinasabing may ugnayan sa Lucky South 99, ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga na nakumpiskahan ng illegal na droga noong Hunyo.

Samantalang maging ang misis ni Roque na si Myla Roque na ipinatatawag din ng komite ay na­bigong dumalo sa pagdinig.

vuukle comment

POGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with