Alice Guo protektado ng 6 dayuhan sa pagtatago - Indonesian Interpol
MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Indonesian Interpol na protektado ng nasa anim na mga dayuhan ang pagtatago ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa Indonesia kung saan inalok din ito ng isang monghe ng matutuluyan.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Inspector General Krisha Murti, hepe ng Interpol sa Indonesia, marami ang tumulong kay Guo kabilang na ang pagsasagawa ng online transactions upang hindi matunton ang kanyang pinagtataguan.
Isang babaeng monk din ang nag-alok kay Guo ng matutuluyan sa Tangerang City.
Subalit sa koordinasyon ng Philippine government sa Indonesia, nahanap ang pinagtataguan ni Guo matapos na tumakas palabas ng bansa nang masangkot sa illegal na operasyon ng POGO.
Naaresto si Guo nitong Martes ng gabi.
Nilinaw ni Murti na walang kasunduan hinggil sa “palit ulo” kay Guo at sa wanted na Australian na si Gregor Johann Haas sa Jakarta sa kasong drug trafficking.
Naaresto si Haas sa Pilipinas nitong Mayo.
Samantala, ookupahin ni Guo ang dating kulungan ni dating senador Leila De Lima sa PNP custodial facility.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, may CR, mesa at ceiling fan ang kulungan at walang VIP treatment.
- Latest