Sen. Go: SHCs krusyal sa accessible healthcare sa lahat
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang groundbreaking ng Super Health Center sa Barangay Torralba, Banga, Aklan.
Sinabi ni Go na ito ay napakahalaga para sa pagbibigay ng healthcare service sa mga Pilipino, lalo sa mga liblib na lugar.
Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng Super Health Centers sa mga komunidad para mabigyang pokus ang pangunahing pangangalaga sa kalusugan, gaya ng medical consultations at early disease detection nang sa gayo’y maiwasan ang mga komplikasyon sa sakit.
Binanggit niya na ang gobyerno ay naglaan ng kaukulang pondo para makapagtayo ng mahigit 700 Super Health Center sa buong bansa, kabilang ang 10 sa lalawigan ng Aklan.
Ang Super Health Center ay “medium version” ng isang polyclinic, pero gumagana bilang isang mas pinahusay na rural health unit.
“Kailangan nating mas paramihin pa ang Super Health Centers sa bansa para masiguradong mailalapit pa natin ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mahihirap,” ayon kay Go.
- Latest