House probe sa POGOs kasado sa Hulyo 17

Ito’y matapos maalarma ang Kamara sa ­samutsaring illegal aktibidades na iniuugnay sa mga POGOs tulad ng money laundering, kidnapping, murder, sex ­trafficking, human trafficking at iba pa.
Vallery Hache / AFP

MANILA, Philippines — Sisimulan ng ng Kamara sa Miyerkules (Hulyo 17), ang motu propio investigation laban sa pamamayagpag ng mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Ito’y matapos maalarma ang Kamara sa ­samutsaring illegal aktibidades na iniuugnay sa mga POGOs tulad ng money laundering, kidnapping, murder, sex ­trafficking, human trafficking at iba pa.

Nais ng Kamara na matukoy ang mastermind sa illegal na operasyon ng POGOs. Nilinaw rin ng Kamara na hindi lamang ang POGO hub sa Bamban, Tarlac na kinasangkutan ni Mayor Alice Guo ang nais nilang siyasatin kundi ang buong operasyon nito para mabatid kung ano ang mga elementong kriminal na sangkot at sinu-sino ang dapat managot sa batas.

Magugunita na ilang mambabatas ang pabor na palayasin na sa bansa ang mga POGOs na pinagmumulan umano ng samut saring krimen.

Ang POGOs ay ipinagbabawal sa China kaya sa Pilipinas ang mga ito nago-operate.

Show comments