Pangulong Marcos inutos ayuda sa mga biktima ng pagbaha sa Mindanao

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kay Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr. at Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ng gobyerno na mamahagi ng tulong sa mga nabaha sa Mindanao.

Ayon kay Gatchalian, tig P5,000 o katumbas ng P380,000 ang ibinigay na ayuda sa may 76 residente na nasira ang bahay sa Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa southwest monsoon.

Habang tig P10,000 naman o katumbas na P2.86 milyon ang ibinigay sa mga residente na totally damaged ang mga bahay.

Ang Matanog, Ma­guindanao del Norte ang lubhang apektado ng pagbaha.

Bukod dito, namahagi rin ng relief goods sina Lagdameo at Gatchalian.

“The aid-giving in Matanog was in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to assist flood-affected families to ensure that they are able to cope with the effects of the ‘Habagat’ that continues to prevail in some parts of Muslim Mindanao (BARMM),” ayon pa kay Lagdameo.

Namahagi naman ng P786,000 halaga ng financial assistance sa 157 na residente ang dalawang opisyal sa Balabagan Evacuation Center. Tig P100,000 ang ibinigay sa 10 residente na totally damage ang bahay habang tig P10,000 naman sa dalawang residente na namatayan.

Show comments