^

Bansa

Pinas, China nagkasundo vs organized crimes

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang Pilipinas at China na magkaisa at paigtingin ang ugnayan sa pagpapatupad ng batas para labanan ang mga organisadong krimen.

Sa pagpupulong nitong Lunes sa pagitan nina Chinese Ambassador to the Philippines, Huang Xilian at Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), nagkasundo ang dalawa na palawakin pa ang pagpapatibay ng ugnayan sa paglaban sa transnational criminal activities.

Ikinatuwa naman ng China ang naging hakbang ng mga otoridad ng Pilipinas para labanan ang illegal offshore gambling at pag-rescue sa mga Chinese nationals.

Nabatid na patuloy na nakikipag-ugna­yan ang Chinese embassy sa kanilang counterparts sa Pilipinas sa kabuuan ng proseso.

Pinapakita aniya ng mutual support na ito ang determinasyon ng parehong bansa na labanan ang transnational organized crime.

Ang pinaigting na kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas ay nagpapadala ng malinaw na mensahe sa mga kriminal na sindikato na gumagawa ng katiwalian at krimen sa mga bansa na ito ay hindi papayagan.

Nagbibibay daan din ito para sa pagpapakita ng kaalaman, pagbabahagi ng impormasyon at mga pagsasama-sama na nagbibigay ng kakayahan sa mga otoridad na wasakin ang mga criminal network.

vuukle comment

PAOCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with