^

Bansa

12 ‘wagi’ sa 2025 senatorial race, inilatag ng Tangere

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilatag ng Tangere survey na isinagawa mula Hunyo 11 hanggang 15 ang listahan ng 12 ­poten­syal na kandidato na posib­leng magwagi sa karera sa pagkasenador sa darating na 2025 midterm elections.

Si ACT-CIS Party-list Rep. Erwin T. Tulfo, frontrunner sa survey na may score na 57 percent, ang nanguna sa grupo ng mga potensyal na kandidatong pinili ng mga respondent para okupahin ang 12 senatorial seats na mababakante sa 2025.

Pumangalawa sa pinapaborang potensyal na kandidato sa pagkasenador ay si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, may 50.83 porsyento, at ang kanyang dating aide at incumbent na si Senador Bong Go ay sumunod na may 47.08 porsyentong marka.

Si dating Senador Tito Sotto ang pang-apat, may 43.75 porsiyento, at si incumbent Sen. Pia Cayetano sa ika-5 puwesto, 41.25%.

Si TV at radio personality Ben Tulfo, kapatid ng nangu­ngunang si Erwin ang umokupa sa ika-6 na puwesto, 40.83%, Sen. Lito Lapid (40.08%), at Presidential sister Sen. Imee Marcos nasa ika-8.

Lumapag sa ika-­siyam na puwesto si boxing champ at dating senador Manny Pacquiao (37.50%), Francisco “Isko Moreno” Domagoso (35.42%), sa ika-10 puwesto.

Si dating Senador Ping Lacson na may 35 porsiyento ay nasa ika-11, at si Sen. Francis “Tol” Tolentino, na may 34.17 porsiyento, ang kumumpleto sa tinatawag na ‘Magic 12’ para sa 2025 senatorial race.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with