^

Bansa

Palitan ng piso kontra dolyar bumagsak patungong P57

James Relativo - Philstar.com
Palitan ng piso kontra dolyar bumagsak patungong P57
A man is seen counting his money along with several 1,000 bills last July 2022.
The STAR/Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines —  Muling sumadsad ang palitan ng Philippine Peso sa US Dollar matapos itong maitala sa P57 ngayong Martes — kaonting kembot na lang mula sa all-time low exchange rate noong 2022.

Ito ang lumalabas matapos itong magsara sa naturang halaga ngayong hapon, ayon sa pinakahuling datos ng Bankers Association of the Philippines.

Matatandaang nagsara ito sa P56.808 kontra $1 nitong Lunes, ilang araw matapos ipagpalagay ng British banking giant na HSBC na maa-outperform ng currency ang mga kapitbahay nito sa Asya gaya ng Indonesian rupiah, Taiwanese dollar at Thai baht.

Sa tuwing mas mahina ang piso, mas malaki ang halagang naipapadala ng mga overseas Filipino workers sa kanilang mga pamilya sa 'Pinas oras na ipapalit nila ang dolyar.

Gayunpaman, ilan sa mga nakikitang epekto ng peso depreciation ay ang mas mahal na halaga ng foreign goods and services sa mga Pilipino.

Bukod pa rito, sumisipa rin ang utang ng Pilipinas pataas sa tuwing bumababa ang halaga ng piso kontra dolyar. 

Oktubre 2022 lang maitala ito sa record-low na P59, bagay na naka-recover patungong P55.37 bago pumasok ang taong 2024.

Nangyayari ang lahat ng ito ilang linggo matapos sumirit ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng  presyo ng bilihin at serbisyo, patungong 3.7% primarya dahil sa halaga ng pagkain.

DOLLAR

ECONOMY

EXCHANGE RATE

PHILIPPINE PESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with