MANILA, Philippines — Naghain ng patung-patong na reklamo ang ilang deboto ng Itim na Nazareno laban sa drag queen na si Pura Luka Vega dahil pa rin sa kontrobersyal niyang performance ng "Ama Namin."
Huwebes nang ihain ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central ang 9 na pahinang reklamo tungkol sa paglabag diumano ng nabanggit sa Article 201 ng Revised Penal Code at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Manila Prosecutor's Office,
Related Stories
Tumutukoy ang Article 201 ng RPC sa "immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows."
"Pura Luka Vega’s acts and actuations constitute a direct attack on our Lord, our God and savior, Jesus Christ," banggit ng grupo sa reklamo.
"His acts cut painfully deep right into the core of our faith and belief, painfully wounding us spiritually, morally, and mentally."
Buwan na ang nakalipas nang mag-viral ang performance kung saan makikitang nagsayaw sa saliw ng punk rock rendition ng religious anthem na "Ama Namin" ang drag queen.
Nabastusan ang ilan dito dahil sa pagko-cosplay niya bilang si Hesu Kristo habang tila pinaglalaruan pa at niyuyugog ang suot na korona.
Kasama sa mga inireklamo ang may-ari ng establisyamento kung saan nangyari ang performance kabilang ang mga sumama sa kanya bilang co-performer.
"Pura Luka Vega’s acts and actuations constitute a direct attack on our Lord, our God and savior, Jesus Christ," dagdag pa ng grupo.
"His acts cut painfully deep right into the core of our faith and belief, painfully wounding us spiritually, morally, and mentally."
Nagkaso handang iatras reklamo
Sa kabila nito, handa naman daw ang Hijos del Nazareno-Central na iatras ang kaso oras na humingi ng tawad ang drag queen.
Una nang sinabi ni Pura Luka Vega na personal siyang humihingi ng tawad sa mga naging "uncomfortable" sa performance, subalit ginawa niya raw ito upang maghilom sa sakit at "exclusion" na nadanas bilang Katolikong miyembro ng LGBTQ.
Dagdag pa niya, hindi niya raw layong mambastos ngunit ginawa ito para ipakitang "kayang mahalin ng Diyos ang lahat."
Persona non grata
Matatandaang idineklarang persona non grata ng Maynila, General Santos City, Floridablanca sa Pampanga, Toboso sa Negros Occidental, Laguna, Nueva Ecija, Cagayan De Oro at Cebu City si Pura Luka Vega dahil sa kanyang ginawa.
Ang salitang persona non grata ay ginagamit para isalarawan ang mga "unacceptable" o "unwelcome person" sa isang lugar.
Sa kabila nito, walang kapangyarihan ang mga resolusyong pumigil kaninuman na pumunta sa lugar kung saan persona non grata ang isang tao dahil sa right to travel na ipinagkakaloob ng Article III, Section 6 ng 1987 Constitution.
Ilang netizens at observers na ang nagsabing pinupuruhan ngayon si Pura Luka Vega hindi dahil sa mismong performance ngunit dahil sa kanyang pagiging queer at parte ng LGBTQ community.
Matatandaang tinawag noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Diyos na "tanga" at minura pa si Pope Francis — ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.
Sa kanila nito, walang nagsasampa ng kahalintulad na kaso at persona non grata sa dating presidente kahit saan.