^

Bansa

Duterte, asang bubuhayin ni BBM ang Bataan nuclear energy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte, asang bubuhayin ni BBM ang Bataan nuclear energy
This photo taken on April 5, 2022 shows a general view of the control room at the Bataan Nuclear Power Plant in the town of Morong in Bataan province, north of Manila.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na itutuloy ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. ang planong paggamit ng nuclear energy na sinimulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos pero hindi natuloy.

Ayon sa Pangulo, si Marcos naman ang nagpagawa ng nuclear power plant sa Bataan kaya dapat tingnan nang susunod na administrasyon ang paggamit nito.

Ipinunto ni Duterte na mauubos ang langis sa hinaharap kaya dapat pag-isipan ang paggamit ng nuclear energy.

“Kaya we are not yet dito sa nuclear level but I hope that the next administration would at least explore now the possibi­lity of itong nuclear… Tutal ang nag-umpisa naman nito si Marcos noon. Nagpagawa siya ng nuclear plant but ano… You know oil is not infinite, may katapusan ‘yan. Someday it will dry up,” sabi ni Duterte.

Binanggit ni Duterte na “forever” ang nuc­lear ener­gy bagaman at delikado katulad nang nangyari sa Chernobyl ng Ukraine na nagkaroon ng leak na sanhi ng radiation.

Ayon pa sa Pangulo, patuloy ang pagmahal ng presyo ng langis dahil wala nito sa Pilipinas at kailangan pang mag-import sa ibang bansa.

NUCLEAR ENERGY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with