Ano ang employee-employer relationship?

August 27, 2002 | 12:00am
ANG kontrol sa pamamahala ng paggawa ng isang empleyado ay isa sa mahalagang elemento para masabi na mayroong employee-employer relationship. Ito ang nangyari sa kaso ni Ambo at sa isang kompanya ng marmol.
Sa pagbabadyang malulugi na ang kompanya noong 1974, nagsimula silang ayusin ito bago pa man tuluyang magsara. Nakipag-usap ito kay Ambo na gamitin ang planta at hayaan siyang makipagkontrata sa paggamit ng produktong marmol na kung saan ang kompanya ay hindi makikialam.
Hinawakan ni Ambo ang planta. Kasama rito ang sariling desisyon at oras kung paano ito patatakbuhin, ang kita na matatanggap niya ay batay sa resulta ng kanyang trabaho at 25 porsiyento ng magiging tubo ng kompanya. Noong una ay kumikita si Ambo ng P3,000 pero hindi siya kabilang sa payroll at miyembro ng SSS ng kompanya.
Sa bandang huli, wala na siyang makontrata kaya kinalaunan ay hindi na siya kumikita na nagtagal ng tatlong buwan. Nang matuklasan ng kompanya na personal na ginamit ni Ambo ang mga inaasahang kita nito, umalis si Ambo sa kompanya. Nang muling pamahalaan ng kompanya ang planta ng marmol, nagsampa ng kaso si Ambo para sa suweldo niyang hindi natanggap ng tatlong buwan. Ayon sa kanya, siya ay hinirang bilang manager ng planta na may kaukulang sahod na P3,000 o 25 porsiyento ng buwanang kita ang kompanya. May makukuha ba si Ambo?
Wala. Si Ambo ay hindi empleyado ng kompanya. Hindi siya kabilang sa payroll, walang kontrol ang kompanya sa kanyang trabaho at nagtatrabaho siya ayon sa sariling desisyon. Nagkaroon lamang ng pakialam ang kompanya nang matuklasan nito ang personal niyang paggamit ng kita ng kompanya na labag sa kanilang napag-usapan.
Sa kadahilanang ang elemento ng kontrol ng kompanya sa pamamaraan at pamamalakad ng gawain ni Ambo ay hindi napatunayan, walang employee-employer relationship si Ambo at ang kompanya ng marmol. Samakatuwid, walang basehan para makatanggap si Ambo ng suweldo ng tatlong buwan. (Continental vs. NLRC 161 SCRA 157)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended