^

True Confessions

Jamias (Ika-83 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

NAGULAT nga si Jamias nang sabihin ng isa niyang tauhan na isa siya sa pararangalan bilang namumukod-tanging pulis ng Maynila. Ang "Bayaning Pulis Award" ay ipinagkakaloob sa mga pulis na nagpamalas ng katapangan laban sa mga masasama ng lipunan. Ang pagpili bilang "Bayaning Pulis" ay ginagawa quarterly. Tatlong pulis ang pinipili sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa loob ng isang taon, 12 pulis ang napipili. Sa katapusan ng taon, pipiliin sa 12 ang tatanghaling "Bayaning Pulis". Kabilang nga si Jamias sa tatlong napili.

Ang pagkakapili kay Jamias ay dahil sa katapangang ipinakita niya nang makipag-duwelo sa public enemy number 1 ng Maynila na si Mike Ampuan alyas Macmod. Napatay ni Jamias si Macmod noong Huwebes Santo ng 1999. Anim na pulis ang itinumba ni Macmod.

Binigyan din ng "special award" ang dalawang pulis na pinagbabaril nina Macmod habang isiniserved ang warrant.

May cash reward na P100,000 si Jamias.

Nang matanggap ang award ay saka lamang nalaman ni Jamias na mayroon ding premyo ang station na kanyang pinamumunuan. Twenty thousand ang premyo sa kanyang unit. Tuwang-tuwa ang mga tauhan ni Jamias sa Station 11.

(Itutuloy)

BAYANING PULIS

BAYANING PULIS AWARD

ELMER MEJORADA JAMIAS

HUWEBES SANTO

JAMIAS

MACMOD

MAYNILA

MIKE AMPUAN

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with