^

PSN Palaro

Semis aasintahin ng Cebu at Batangas

-
Kapwa aasintahin ng Cebuana Lhuillier Gems at Batangas Blades ang semifinals berth sa nag-iisang laro ngayon sa MBA First Conference sa Lipa City Youth & Cultural Center.

Nakatakda ang engkuwentro ng Blades at Gems sa alas-6 ng gabi kung saan ang mananalo rito ang siyang ookupa ng unang semis slot.

Sa kasalukuyan, nasa ikalawang puwesto ang Blades taglay ang 4-3 win-loss slate sa North, habang nag-iingat naman ang Gems ng 5-3 karta na naglagay sa kanila sa ikatlong posisyon sa South.

Sisikapin ng Cebuana Lhuillier na makabalik mula sa kanilang 97-75 kabiguan mula sa kamay ng Professional Davao, habang hangad naman ng Blades na masundan ang kanilang 89-86 tagumpay kontra sa Osaka Pangasinan noong Linggo.

Samantala, isang panatiko ng MBA ang pinalad na makapag-uwi ng P100,000 noong Linggo sa LBC Longshot Basketball Challenge sa Lipa Youth and Cultural Center.

Isinalpak ni Gilbert Olap, tubong San Isidro, Lipa City ang kanyang natatanging pagtatangka sa mid-court na siyang nagbigay sa kanya ng napakasarap na panalo sa kauna-unahang handog ng MBA sa half time break sa pagitan ng labanan ng LBC Batangas-Osaka Pangasinan sa MBA First Conference.

Ang 26-anyos na si Olap ang kabilang sa limang may hawak ng ticket na napili para sa LBC Longshot Basketball Challenge. Ang bawat isa ay tumanggap rin ng tig-P500 bago sila magtangka ng kani-kanilang tira.

Ang LBC Longshot Basketball Challenge ang siyang regular feature ng MBA games sa araw ng Sabado at Linggo at sa tuwing ginaganap ito at walang nakapagbuslo sa mid-court, ang P10,000 ay idaragdag sa P100,000 pot.

BATANGAS BLADES

BATANGAS-OSAKA PANGASINAN

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CULTURAL CENTER

FIRST CONFERENCE

GILBERT OLAP

LINGGO

LIPA CITY

LONGSHOT BASKETBALL CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with