Duterte nangakong tatapusin ang Abu Sayyaf
MANILA, Philippines – Muling nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang teroristang grupo na Abu Sayyaf.
Inihayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na muling binanggit ng Pangulo ang kanyang pangako sa isinagawang New Year Command Conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) noong Biyernes.
“Idiniin din ng Presidente na ‘yung kanyang commitment to end the ASG, ‘yung Abu Sayyaf Group,” pahayag ni Abella sa panayam ng Radyo ng Bayan kahapon.
Ayon pa kay Abella, nagbigay ng security update sa Pangulo ang security forces ng bansa sa isinagawang joint command conference.
Sinabi pa ni Abella na sa panig naman ng Pangulo, muli nitong tiniyak at inulit ang pangako na wawakasan ang korupsiyon, ilegal na droga at terorismo.
- Latest