^

Bansa

Trabaho muna bago tsismis ng girlfriends

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bagaman at walang pinangalanan, hinikayat kahapon ni Richard Gordon ang lahat lalo na ang mga mambabatas na magtrabaho at huwag unahing pag-usapan kung sino ang girlfriend ng iba o kung sino ang katabing matulog.

Ipinahiwatig ni Gordon na mas inuuna pa ng mga opisyal ng gobyerno ang tsismis kaysa pagtuunan ang trabaho.

“We keep talking about everything. Who’s sleeping with whom? Who’s the girlfriend of this? Ito ang ginagawa natin. Why can’t we all just do our jobs?” pahayag ni Gordon sa kanyang opisyal na Facebook account.

Matatandaan na ilang araw ring naging isyu ang awayan ng girlfriends nina Speaker Pantaleon Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr.

Kinuwestiyon din ni Gordon kung hindi ba sila maa­ring maging kagalang-galang at kung bakit pa kailangang pag-usapan ang mga girlfriends.

“Behave like the honorable people that we are. Why do we have to talk about them?” ani Gordon.

Sinabi pa ni Gordon na mas mabuting pag-usapan kung ano ang gagawin sa posibleng pagtama ng isang malakas na lindol na tinatawag na “Big One”, at kung nakahanda ba ang lahat.

“Let’s talk about what are we gonna do about our Navy? What are we gonna do about the possible Big One-earthquake? Are we prepared? Hindi ba dapat iyan ang pagusapan natin?” ani Gordon.

Kinuwestiyon din ni Gordon kung ano ang kanilang prayoridad, kung bumababa ang halaga ng Piso, at kung papaano gagamitin ang populasyon para malampasan ang third world status ng bansa.

Ayon pa kay Gordon, mahalagang maging edukado ang mga mamamayan para maging produktibo sa susunod na 10 taon.

Pero sa halip aniyang pag-usapan ang totoong isyu, mas inuuna pa sa ngayong pag-usapan ang tsismis.

RICHARD GORDON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with