^

Bansa

‘Magkaka-Medal of Valor kayo sa Basilan’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinayuhan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang 387 scalawag cops ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na huwag katakutan ang deployment sa Basilan upang sumabak sa mga bandidong Abu Sayyaf dahil dito nila makakamit ang kanilang “Medal of Valor”.

Ito’y sa gitna na rin ng plano ng ilan sa mga scalawag cops na mag-resign na lamang sa serbisyo kaysa magpadeploy sa Basilan at makipagbakbakan sa Abu Sayyaf.

Sinasabing marami sa mga scalawags ay napaiyak ng makatikim ng sermon at matitin­ding mura mula kay Pa­ngulong Duterte noong Martes.

Una nang sinabi ng Pangulo na pakakainin niya ng water lily, paglilinisin at paglalanguyin sa Pasig River ang naturang rouge cops.

“Actually they should take that positively sa amin sa AFP that is an opportunity to earn the Medal of Valor award, from 25 thousand to 75 thousand na ang monthy gratuity yan,” pahayag ni Año.

“What’s wrong in being assigned in Basilan and Sulu, di ba you want to serve the country and the people, that’s the best way, now if they are complaining then you can see the quality of these people that you do not need in the organization,” sabi pa ng AFP Chief.

Ayon naman kay PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa, wala siyang pakialam kung magsipagbitiw sa serbisyo ang nasabing scalawag cops.

“How I wish magreresign na sila lahat, sabihan nyo sila para wala na akong gastos, hindi na ako manghiram ng C130 sa AFP para hakutin sila papuntang Basilan, para ikarga sila sa papuntang Basilan, sige magresign na kayo para wala na akong alagaan pa, sige sabihan nyo sila,” wika ni dela Rosa.

Sabi pa ni dela Rosa na walang halaga sa kaniya kung mabawasan ang kaniyang mga tauhan basta ang importante ay ang mga matitino ang matira sa serbisyo.

“I don’t care, I don’t care, kung wala akong tao, I dont care, I care for quality, not for quantity, bahala na kung meron akong isang pulis lang diyan pero matino kesa sa meron akong 100 na pulis puro naman katarantaduhan ang pinaggagawa,” wika pa niya.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with