Agiw at Gagamba Palamuti sa Ukraine Hanggang Kapaskuhan
Kinatatakutan ang gagamba o kahit sapot nito sa halos lahat ng parte ng mundo. Ginagamit pa nga itong pang-decorate tuwing Halloween at panakot sa mga bata.
Pero iba ang nakaugalian ng mga taga-Ukraine. Bida ang gagamba at sapot nito tuwing Pasko. Ang kuwento kasi, isinalba ng isang gagamba ang Pasko ng isang mahirap na balong ina at kanyang maraming anak nang isang Pasko ay saputan nito (gagamba) ang kanilang nagsisilbing Christmas tree (pincecone) at magmukha itong dekorasyon.
Para alalahanin ito, ay nagde-decorate pa rin ang Ukrainians ng spider webs sa kanilang Christmas tree. Pinaniniwalaan din nilang magbibigay ito ng good luck at suwerte sa kanila sa darating na taon.
Hindi naman masama ang kanilang nakaugalian pero ang talagang nagbebenepisyo rito ay mga kumpanya na gumamagawa ng dekorasyon dahil hanggang Kapaskuhan ay umaabot ang kanilang mga pekeng agiw.
- Latest