^

Pang Movies

Nagdawit kay Goma sa droga biglang nagturuan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Magkita-kita na lang kami sa korte,” iyon ang laman ng mensaheng nakuha namin mula kay Richard Gomez na kasalukuyang nasa London para sa isang dinaluhang conference, kasama ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Galit si Goma sa ginawang pagsasangkot sa kanya ni Albuera Police Chief Jovie Espenido sa usapin sa droga, at sinabing isa siya sa itinuro ng pinatay na si Mayor Rolando Espinosa.

Inamin ni Espinido na walang direktang ebidensiya laban kay Goma. Ni wala ang pangalan ni Goma sa sinasabing legal affidavit na ginawa umano ni Espinosa bago siya napatay sa loob mismo ng kanyang selda.

Sabi ni Espinido, nabanggit lang daw sa kanya ni Espinosa na tumanggap ng pera si Goma mula sa anak niyang si Kerwin. Pero dahil sabi lang, walang ebidensiya si Espinido na sinabi nga iyon ng napaslang na mayor. Ang nakakatawa pa, ang sinasabi ni Espinido, hindi naman daw siya kundi si Major Leo Laraga ang nagbanggit ng pangalan ni Goma sa senate hearing. Eh hindi ba nagkakaturuan na ngayon?

Pero may katwiran si Goma na magdemanda. Una, dahil sinasabi nga niyang hindi iyan ang unang pagkakataon na siniraan siya ni Espinido na pinagbibintangan niyang kakampi ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Marami naman ang naniniwala na baseless ang bintang laban kay Goma. Bago siya naging mayor, naging chairman siya ng grupong Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD). Maliwanag na nilalabanan niya ang droga kahit na siya ay isa pang private citizen, at bago pa ito sa idineklarang paglaban sa droga ni Presidente Rodrigo Duterte. Si Goma ay naging presidential assistant din para sa Youth and Sports Development noong panahong presidente pa si Mayor Erap Estrada. Bukod doon, siya ay isang athlete. National team member siya ng Pilipinas sa fencing, archery, volleyball, rowing team, at kilalang lumalahok pa sa ibang sports.

Papaano nga namang ang isang lehitimong sportsman na naging kinatawan pa ng bansa, at minsan pang naging head of mission ay magiging involved sa droga?

Ang medyo malabo lang, kahit na magturuan pa sila ngayon kung saan nanggaling ang kanilang impormasyon, the fact na inilabas nila iyon sa publiko on national television at sa isang hearing kung saan sila ay under oath, mabigat-bigat na mga kaso nga ang haharapin ng mga pulis na iyan. Dapat tandaan nila na ang sinasabi ni Presidente Duterte na ipagtatanggol sila ay doon lamang sa pagganap nila sa kanilang tungkulin laban sa droga. Hindi kasama riyan ang nakakasira sila ng puri ng ibang tao.

Baguhang aktor na nagmamalinis, sumingaw na ang baho

Ito naman ay sisiguruhin naming hindi isang paninirang puri. Pilit na nagpo-project ang isang male newcomer na malinis ang kanyang image. Pero ang pagkakamali nga niya, naikuwento niya kung saan siya nagsimula bilang isang model.

Ang pinagsimulan naman niya ay nagsabing “Mabait na bata naman iyan”. Pero dinugtungan iyon na “Sa taas ng ambisyon niya kaya siya kapit sa mga mayayamang bakla”. Lumabas tuloy ang kanyang itinatagong activities.

Kung sabagay, may pagkakataon naman talaga ang kahit na sino na baguhin ang kanyang buhay. Pero basta sinabi mong pagbabago, dapat magbago talaga. Hindi tama ang nagbabago lamang sa kuwento, pero sa likod ng mga kuwentong iyon ginagawa pa rin ang hindi tama.

Kung sabagay, maraming mga artistang ganyan. Mayroon pa ngang ipinagmamalaki pang mayroon na siyang anak para maitago lang ang katotohanan na siya ay bakla.

 

RICHARD GOMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with