Swak na swak si Taggart sa Rain or Shine
MANILA, Philippines - Handang-handa na si Shawn Taggart na tulu-ngan ang Rain or Shine sa pagdedepensa ng korona ng 2017 PBA Commissioner’s Cup na magbubukas na sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Sa pangunguna ng 6’9 na si Taggart, nagwagi ang Elasto Painters laban sa Star Hotshots at Mahindra at tumabla naman kontra sa Phoenix at NLex Road Warriors sa apat na exhibition games.
“I fit in well because I’m not just a scorer. I don’t go out there and say, ‘I’m going to score thirty points every night.’ I take what the defense gives me and with this team, there are lot of shooters in the team, so I feel like I can pass the ball and I can be a great teammate here,” sabi ni Taggart na naglaro ng limang games sa Globalport sa nakaraang Commissioner’s Cup at nag-averaged ng 35 puntos at 15 rebounds.
Sabi ni coach Caloy Garcia, nag fit-in si Taggart sa system ng Rain or Shine kaya malaking bagay sa kanila ang 31-anyos na import na taga-Richmond, Virginia.
“The nice thing about Shawn is mataas yung IQ niya, so it’s easy for him to adjust to the system and I think it fits him because he can shoot from the three-point area. Nung kalaban namin siya sa GlobalPort, ang unang nakita namin sa kanya yung laki niya. Surprisingly, when he arrived here, dun ko lang nakita na he takes three-point shots pala,” ayon kay Garcia.
“He has the range,” dagdag ni Garcia ukol kay Taggart na umani lamang ng 1-4 win-loss record bilang ikalawang import ng Batang Pier noong nakaraang taon.
Nagkampeon ang Rain or Shine sa nakalipas na import-laden conference nang si Yeng Guiao pa ang kanilang head coach at si Pierre Henderson-Niles ang import at si Paul Lee pa ang malakas na point guard.
Si Guiao ay lumipat sa Nlex Road Warriors habang si Lee ay napunta sa Star Hotshots kapalit ni two-time MVP James Yap.
- Latest