^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala na nga bang‘buwaya’ sa Customs?

Pang-masa

BUMABA raw ang bilang ng mga nagrereklamo ukol sa nangyayaring corruption sa Bureau of Customs sa nakaraang limang taon, ayon sa Office of the Ombudsman. Dati raw, 117 reklamo ukol sa katiwalian ang kanilang natanggap mula 2011 pero naging 70 na lamang noong 2015. Ibig sabihin, kumonti na ang mga “buwaya” sa nasabing ahensiya. At kung kaunti na ang mga “buwaya”, malaki na ang makokolekta ng Customs. Tiyak na darami ang laman ng kaban sapagkat wala nang napupunta sa bulsa ng mga “buwaya”.

Ang Customs ang lagi nang nangunguna sa mga pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan. Maski si President Noynoy Aquino ay alam ang mga nangyayaring korupsiyon sa Customs. Noong Hulyo 22, 2013, nang magsalita sa SONA, harap-harapan niyang inupakan ang Customs.

Sabi ni P-Noy: “Para namang nakikipagtagisan sa kapalpakan itong Bureau of Customs. Imbes na maningil ng tamang buwis at pigilan ang kontrabando, parang walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritor­yo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?”

Dalawang Customs Commissioner na ini-appoint ni P-Noy ang nag-resign – una si Ruffy Biazon at ikalawa si John Philip Sevilla. Sa panahon nila, maraming katiwaliang naganap at wala silang nagawa para linisin ang Customs. Maski ngayon, maraming nangyayaring katiwalian sa ahensiya kaya nakapagtataka ang report ng Ombudsman na bumaba ang reklamo ng corruption doon.

Dapat magpakita ng pagbabago o reporma si Commissioner Bert Lina. Kaya ba niyang putulin ang pangil ng mga “buwaya” sa kanyang tanggapan o katulad din siya ng dalawang commissioners na nauna sa kanya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with