^

Punto Mo

‘Klik… klik… klik pa ulit’

- Tony Calvento - Pang-masa

NAGPAHAYAG ng pananabik at suporta ang ilan sa mga pinaka magagaling na litratista at visual artists sa bansa para sa 2nd PAGCOR National Photography Competition. Napaka-espesyal ng patimpalak na ito dahil sa tema nitong “Only in the Philippines” kung saan itinatampok ang mga magagandang katangian ng bansa. Patuloy na tumatanggap ng positibong papuri ang nasabing patimpalak kaya naman sa taong ito ay inaasahan na maraming Pilipino ang magpapamalas ng kanilang galing at hilig sa pagkuha ng litrato (photography). Sa ikalawang taon nito, inimbitahan ng PAGCOR ang mga dekalibre at mga premyadong photographers at visual artists bilang hurado upang masiguro na ang pinaka mahusay at karapat-dapat ang tatanghaling grand winner. Sila ang mga sumusunod:

Wig Tysmans, mahusay na corporate, documentary at advertising photographer kung saan ang kanyang mga obra ay makikita sa mga pahina ng Manila’s top magazines pati na rin sa mga galleries sa Pilipinas at ibang bansa.

Obra maestro sa larangan ng cinematography na si Romy Vitug, kung saan ang kanyang mga pelikula ay nanalo sa iba’t-ibang award-giving bodies tulad ng FAMAS (kung saan siya ay “Hall of Fame” awardee) at Gawad Urian.

Brenda Fajardo, award-winning visual artist at kinilala bilang isa sa Cultural Center of the Philippines’ (CCP) Thirteen Artists in 1992. Siya rin ay ginawaran ng CCP Centennial Honors for the Arts noong 1999 at Gawad CCP sa Sining Biswal noong 2012. Dating Chairman ng University of the Philippines Department of Art Studies.

Photographer/Multi-disciplinary artist Wawi Navarroza, siya ay umani ng mga parangal mula sa lokal at ibang bansa kasama na rito ang CCP Thirteen Artists Awards National Triennial 2012, honorary award at Lumi Photographic Arts Awards, Helsinki (2011), finalist para sa prestihiyosong Sovereign Asian Art Prize (2011) at Singapore Museum Signature Art Prize (2011).

Gil Nartea, isang mahusay na photojournalist, kasalukuyang Chief Photographer ng Office of the President, Malacañang. Dati siyang nagtrabaho sa Manila Bureau of Agence France Presse (AFP), Journal Group of Publications, ABS-CBN Publishing, The Manila Chronicle, at Sun Star Manila. Siya rin ay nagturo ng Photojournalism sa UP Diliman nang 15 taon.

Frank Callaghan, isang English-Filipino photographer na kilala sa kanyang large-format night-time landscapes. Ang kanyang mga gawa ay kilala sa Hong Kong, Singapore, Japan, Malaysia, Indonesia at United States.

Mandy Navasero ay isang Photography at Public Relations consultant, nag-aral ng BA in Professional Photography at natapos ang kanyang major in Advertising and Illustrative Photography sa Santa Barbara, CA, USA.

Filipino-American visual artist, musician, model at film artist na si Sarah Gaugler. Nakilala siya bilang vocalist ng Philippine-based Electronic Rock Band Turbo Goth at dahil sa kanyang kakaiba at delicate artworks. Ang kanyang banda ang official deligate sa kata­tapos lang na SXSW: South by Southwest Music Festival in Austin Texas.

Bien Bautista, kilala sa kanyang husay sa photography para sa advertising, fashion, industrial, corporate, travel at documentary. Ang kanyang mga obra ay hindi lamang na-exhibit dito sa Pilipinas kundi pati rin sa ibang bansa lalo na sa New York, USA at Hongkong.

Natapos ang pagtanggap ng mga entries noong Mayo 12, 2014. Ang patimpalak ay merong dalawang kategorya: “Conventional Category”, mga larawang kuha gamit ang mga conventional at compact ca­meras, at “Mobile Category” kung saan ang mga kalahok ay pwedeng magsumite ng mga larawang kuha gamit ang mga applications sa mobile devices tulad ng smartphones at tablets. Ang mga itatanghal na labindalawang grand winners sa Conventional category ay tatanggap ng 75,000Php bawat isa at 30,000Php naman sa labindalawang grand winners ng Mobile category. Ang mga mananalong litrato ay itatampok sa PAGCOR’s 2015 calendar. Samantala, ang mga non-winning grand finalist naman ay tatanggap ng 20,000Php bawat isa para sa conventional category at 5,000Php para sa Mobile Category. Para sa kumpletong detalye ng 2nd PAGCOR National Photography Competition, bisitahin ang www.pagcor.ph, i-follow ang facebook page ng ahensiya (www.facebook.com/pagcor.ph) at ang Twitter account (www.twitter.com/pagcorph), o tumawag sa PAGCOR’s Corporate Communications Department at 353-8392.

PARA SA KARAGDAGANG ULAT… Groundbreaking ceremonies para sa dalawang bagong school building na ipapa-tayo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Marikina City ay idinaos kamakailan lang. Nag­laan ang ahensiya ng mahigit walumpung milyong piso para sa pagpapatayo ng mga bagong classrooms. Nakatakdang mabiyayaan ng four-storey, dalawampung classroom building bawat isa ang Sta. Elena High School at ang Concepcion Integrated School. Ito ang kauna-unahang PAGCOR-funded school buildings sa Marikina. Ang PAGCOR Chairman at CEO na si Cristino “Bong” Naguiat ang nanguna sa Groundbreaking Rites. Ibinalita at ipinagmalaki nito na nakapag-patayo na ang PAGCOR ng halos isang libong silid aralan sa 187 na pampublikong paaralan sa buong bansa. Libo-libo pang mga classroom ang nakatakdang ipagawa ng PAGCOR sa iba’t-ibang lugar. Kabilang rito ang mga komunidad na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong nakaraang taon. Naglaan ang PAGCOR ng limang bilyong pisong pondo para sa school building program na ito. Nagawa ito ng kasalukuyang administrasyon ng ahensiya sa loob ng mahigit tatlong taon ng panunungkulan. (KINALAP NI I-GIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor, CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landline 6387285 / 7104038

ADVERTISING AND ILLUSTRATIVE PHOTOGRAPHY

AUSTIN TEXAS

BIEN BAUTISTA

KANYANG

MOBILE CATEGORY

NATIONAL PHOTOGRAPHY COMPETITION

PAGCOR

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with