^

PSN Showbiz

Liza Diño waging Best Supporting Actress sa Famas!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Congratulations kay Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño dahil siya ang Best Supporting Actress ng 65th FAMAS para sa acting niya sa Ringgo: The Dog Shooter.

Ipinalabas sa mga sinehan ang Ringgo noong July 2016 at kahit hindi masyadong maingay ang pelikula, nagkaroon ito ng mga nomination sa iba’t ibang award giving bodies.

Co-stars ni Mama Liza sa Ringgo sina Ja­nice de Belen, Bembol Roco, at Sandino Martin. Nominated si Janice sa Best Actress category pero si Mama Liza lang ang pinalad na manalo.

Actually, nagulat si Mama Liza sa nomination na natanggap niya kaya nakapag-dialogue siya ng “Ohhh…Wow. I’m still an actress pa. Thank you so much for this nomination. This is amazing..”

I’m sure, lalong amazing ang naging pakiramdam ni Mama Liza sa announcement na siya ang winner ng Best Supporting Actress trophy ng 65th FAMAS.

Unfair ang mga paratang

Naloloka ako sa image ko ‘ha? Gusto ko na tuloy mag-cry.Kapag nananalo ako sa mga raffle draw, ang iniisip agad ng mga tao, may scam na involved.

Kapag signature bags naman ang gamit ko, pinagdududahan na fake. Sa tuwing may mga ibinabalita ako na kontrobersyal, fake news agad ang reaksyon ng fans! Saan ako lulugar? I’m so very hurt.

Ganoon siguro ang tingin sa akin, hindi ako serious kaya akala nila puro biro at kagagahan kapag ako ang sangkot.

Mamahaling bags laging napagkakamalang fake

Laugh ako nang laugh nang mag-win ako ng grand prize sa raffle draw sa Thanksgiving party ni Alden Richards sa Concha’s Garden noong Huwebes pero nang makita niya ang name ko, parang nabigla siya. Parang hindi siya makapaniwala.

Ipinabasa pa ni Alden kina Angel Cruz, Lendl Fabella, at Gigi Lara ang raffle stub na hawak niya. Buti na lang, walang nagprotesta pero feel na feel ko na may nag-isip na may ginawa ako na scam dahil ako nga ang nag-win.

Last year, P2,000 lang ang napanalunan ko sa Christmas party ni Alden para sa entertainment press pero walang mga violent reaction.

Noong niregaluhan ako ni Perry Lansigan ng Prada bag, pinagbintangan na eco bag ang dala ko. Pati si Senator Grace Poe, nag-akala na eco bag ang authentic Prada bag ko nang magkita kami.

‘Yung regalo sa akin na Marc Jacobs bag, napagkamalan ni Mother Lily Monteverde na fake dahil inilapag ko sa sahig.

Hay naku, hindi na talaga nagbago ang image ko buhat nang gumawa ako ng scam noong June 1994. Nakapag-move on na ako pero ‘yung iba, ‘yun pa rin ang iniisip at mga duda. How sad ‘di ba?

Hindi ko kasi alam ang presyo ng mga bag na inireregalo sa akin kaya hindi ko masyadong ina­alagaan kaya akala ng iba, fake at cheap ang mga gamit ko.

Hindi nila alam na orig ang mga bag ko na bigay ng rich friends ko. Puwede rin na hindi bagay sa akin ang mga branded at expensive bag dahil jologs ako.

Anyway, kiyeme-kiyeme lang na hurt ako. Naiintindihan ko naman na may kasalanan din ako. Saka usually, in a nice way ang kanilang mga biro pero kahit ano pa ang sabihin nila, ako pa rin ang winner ng P25,000 sa party ni Alden at always na makakatanggap ng expensive things mula sa loyal and rich friends ko.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with