^

PSN Showbiz

Vilma, Boy, Cristy, at willie hindi sumipot sa kasal ni AiAi

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Akala ko, late ako na darating kahapon sa Christ The King Church sa Greenmeadows, Quezon City para sa kasal nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan dahil matindi ang trapik sa EDSA.

Umalis ako sa parlor ni Bambbi Fuentes ng 8:40 a.m. at dumating ako sa simbahan ng 10:00 a.m. pero hindi ako nagpa-stress sa trapik dahil tinanggap ko na ang katotohanan na mahirap o baka hindi na malutas ang problema natin sa Metro Manila traffic.

Umabot naman ako sa wedding march dahil hindi pa ito nagsisimula nang dumating ako sa Christ The King Church.

Naabutan ko na ready-to-march na ang mga prinicipal at secondary sponsors, maliban kina Willie Revillame, Boy Abunda, Cristy Fermin at Congresswoman Vilma Santos-Recto na hindi nakarating.

Veil at train ng wedding gown ni AiAi, makulay

Touched na touched ako sa pagkanta ni Martin Nievera ng Ngayon at Kailanman habang nagmamartsa sa church aisle si AiAi.

Magandang-maganda si AiAi sa araw ng kasal nila ni Gerald. Bongga ang kanyang bridal gown na dalawang buwan na ginawa ng fashion designer na si Frederick Peralta.

Si Louie Ignacio, ang direktor ng Area at friend ni AiAi ang nag-hand paint sa makulay na veil at train ng gown ng bride. Mahusay na painter si Louie at napakinabangan niya ang kanyang galing sa veil ni AiAi.

Seremonyas inabot ng mahigit dalawang oras

Naging emosyonal din si Gerald nang makita nito na nagmamartsa sa church aisle ang kanyang forever.

Normal na talaga sa mga lalaki ang mapaluha as in tears of joy ang pumapatak mula sa kanilang mga mata habang papalapit ang mga mapapangasawa nila.

Mahigit sa dalawang oras ang wedding ceremony dahil sa mga obispo na nagdaos ng kasal na hindi nalalayo sa eksena ng church wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral noong December 30, 2014.

Alden naki-picture picture

Best man nina AiAi at Gerald si Alden Richards. Hindi ako sure kung umapir pa kahapon si Alden sa Eat Bulaga dahil nag-stay pa siya sa simbahan para sa picture-taking.

Ninang si Mother Lily Monteverde pero hindi siya dumating kaya ang kanyang anak na si Roselle ang proxy niya.

Hindi ko rin na-sight sina Bro. Mike Velarde at Senator Ralph Recto.

Hindi na ako nagpunta sa wedding reception sa Blue Leaf sa Taguig City dahil afraid ako na maipit sa traffic. Baka ma-late ako sa dalawang appointment na natanguan ko kahapon.

Kahit lihim, star-studded na kasal dinagsa ng fans

Very personal at intimate ang church wedding nina AiAi at Gerald.

Hindi well-publicized ang simbahan na pagdarausan ng kasal pero natunton pa rin ito ng fans na excited na makita ang mga ikakasal at ang star-studded cast.

Bilib ako kina Vic Sotto at Pauleen Luna na hindi na-late ang arrival. To think na nanggaling pa sila sa bahay nila sa Laguna. Ang Sotto couple ang mga candle sponsor, veil sponsors sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Groomsmen sina Piolo Pascual, Bayani Agbayani, Ogie Alcasid, Jose Manalo na umalis agad pagkatapos ng wedding ceremony dahil mukhang hahabol pa siya sa live telecast ng Eat Bulaga. Nagbabu rin agad si Piolo pagkatapos ng participation nito sa misa.

Bridesmaids sina Regine Velasquez, Eugene Domingo, Barbie Forteza, Pops Fernandez, Valeen Montenegro, Lovely Abella, at Marilou Santiago, ang misis ni Randy Santiago. Maid of honor ang anak ni AiAi na si Sophia at si Sharon Cuneta ang matron of honor.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with