Kamandag nina Lorna, Christopher, Sarah ilalabas na!
Palabas na pala sa mga sinehan sa December 6 ang Kamandag Ng Droga, ang pelikula na directed by ni Carlo Caparas at starring sina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Sarah Lahbati, Mark Neumann at Meg Imperial.
Matagal nang tapos ang shooting ng Kamandag Ng Droga. Ang Viva Films ang magre-release sa mga sinehan ng pelikula na tungkol sa bad effects ng illegal drugs ang kuwento.
May special participation sa Kamandag Ng Droga sina PAO Chief Persida Acosta at Senator Koko Pimentel. In Memory of Donna Villa ang Kamandag Ng Droga dahil siya ang producer ng pelikula. Hindi na naabutan ni Mama Donna ang playdate ng Kamandag Ng Droga dahil binawian siya ng buhay noong January 17, 2017.
Bukod sa Kamandag Ng Droga, may unreleased movie pa sina Direk Carlo at Mama Donna, ang Miracles Of Love na pinagbibidahan naman ni Richard Gutierrez. Starring din sa Miracles of Love sina Yassi Pressman, Rap Fernandez, Elvis Gutierrez at CJ Caparas, ang anak nina Direk Carlo at Mama Donna.
Dahil sa Jagiya, Pa-party ng GMA Korean ang theme!
Alive na alive ang showbiz ngayong Christmas season dahil sa dami ng mga presscon at Christmas party.
Mauuna na magkaroon ng Christmas party for the press ang GMA 7. May special prizes na matatanggap ang mga reporter na darating na suot ang mga outfit na inspired ng kanilang mga favorite Korean star. Bibigyan din ng premyo ang mga tatanghalin na Oppa and Jagiya of the Night bilang umaariba sa rating ang My Korean Jagiya, ang primetime teleserye ni Heart Evangelista sa Kapuso Network.
At dahil Korean ang theme ng Christmas party for the press ng Kapuso Network, may kutob ako na makikisaya sa entertainment press si Heart at ang kanyang Korean leading men na sina Alexander Lee at Andy Ryu.
Joross at EA graded a, haunted ni Mother nag-iisa lang sa MMFF
Kaliwa’t kanan naman ang mga presscon dahil sa mga pelikula na official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.
Naimbitahan ako sa presscon ng All of You noong Biyernes at sure na invited ako sa coming soon presscon ng Dedma Walking ng T-Rex Entertainment at Haunted Forest ng Regal Entertainment Inc.
Mga bida sa Dedma Walking sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman. Ipinagmamalaki ng T-Rex Entertainment na Graded A ng Cinema Evaluation Board ang entry nila sa MMFF 2017.
Of course, susuportahan ko ang Haunted Forest, ang nag-iisang horror movie na kasali sa December filmfest. Si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle ang mga produ ng Haunted Forest na mula sa direksyon ni Ian Lorenos. Si Ian ang direktor ng Mano Po 7: Chinoy, ang pelikula ng Regal Entertainment na napanood sa mga sinehan noong December 2016. Marami ang nagandahan sa kuwento ng Chinoy na mas bongga kesa sa ibang mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2016.
Jennylyn at Derek may laban din sa awards
Reunion movie nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay ang All of You ng Quantum Films.
Sosyal ang presscon ng All of You dahil nagpa-raffle si Atty. Joji Alonso ng mga gamit sa bahay na si Jennylyn ang endorser at dalawang round trip tickets sa Taipei.
Hindi ako nag-win sa raffle draw pero okey lang dahil nanggaling na ako sa Taipei noong nakaraang linggo.
Bet ko na mag-win ng acting trophies sina Jennylyn at Derek sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2017 dahil bilib na bilib ang direktor na si Dan Villegas sa akting na ipinamalas nila sa All of You.
- Latest