Alam kaya ni Pacman? Jinkee may kinababaliwang mas batang lalaki!
MANILA, Philippines — Alam kaya ni Sen. Manny Pacquiao na may kinababaliwang ibang lalaki ang misis niyang si Jinkee Pacquiao? Yup, nag-out na si Ms. Jinkee sa pagiging adik sa K drama.
Pinost niya sa kanyang Instagram account ang photo sa tapat ng billboard na sikat na Korean actor na si Ji Chang Wook na kakasimula lang sa military training.
Yes isang Korean actor ang iniidolo ni Mrs. Pacquiao at lahat ng mga palabas nito ay napanood na niya base sa post niya sa IG.
Hindi nga lang lantaran ang pagiging K fan ni Ms. Jinkee. Hindi ko pa rin nababalitaan na bumiyahe na siya sa Korea para sa kanyang idolo.
Ang isa pang K drama addict na si Anne Curtis ay kasalukuyang nasa Seoul. Kung anong gagawin niya ay hindi pa niya sinasabi.
Kung dadalo nga ba siya sa kasal ng kanyang mga idolong sina Song Joong-ki at Song Hye Kyo sa October 31 o makikipag-kita siya sa magiging leading man niya sa gagawing pelikula sa Viva Films?
Parang hindi nga ikakasal din si Anne dahil walang signs na ngarag siya sa wedding nila ni Erwan Heussaff na umano’y magaganap sa November 11 sa New Zealand.
Pero siyempre ibang level ang pagiging k drama fan ni Nay Lolit Solis. Nakailang balik na siya sa Korea na umabot sa red carpet ng Busan International Film Festival. Hahaha. Sadly bigo pa rin siyang makita ang mga iniidolo niya. At ayaw niyang pansinin ang ibang mga sikat na K drama actor kahit andun na at pwedeng magpa-picture.
Pacman naniniwalang ang pagpapalaganap ng salita ng diyos ang itinakda sa kanya
Kakaibang Senator Manny “Pacman” Pacquiao ang mapapanood ng Kapuso viewers sa pinakabagong drama anthology ng GMA na Stories for the Soul simula ngayong Linggo.
Sa programang ito niya kasi maipapakita kung ano ang pinakamahalagang misyon niya sa buhay—ang ibahagi ang salita ng Diyos kahit gaano pa kahirap ang mga pinagdaanan niya noon.
“Ang Panginoon ang nagbigay sa akin ng conviction. There are so many challenges in my life that time. May mga times dun na nagkamali ako pero masasabi ko na ang Panginoon ang may gawa ng lahat. I believe this is what I am meant to do—to scatter His words through this show,” aniya.
Ipinagmamalaki rin niya ang mga istoryang tampok dito dahil ito ay makakapagbigay ng pag-asa sa mga tao para maging inspirasyon pa sa iba.
“Looking forward ako na makita ng manonood ‘yung inspirasyon at Word of God na talaga namang makakatulong sa pamilya o sa bawat problema na nararanasan nila especially on how to become strong. Gusto rin sabihin ng show na ito na yung dami ng challenges mo sa buhay, hayaan mo lang. Dadating ang panahon na makikita mo ang salvation ni God sa buhay mo,” dagdag ni Sen. Manny.
Layunin ng Stories for the Soul na magpakita ng mga kuwento ng inspirasyon mula sa Bibliya o ang tinatawag nilang greatest book ever written.
Bibida sa pilot episode ang versatile actress na si Andrea Torres, Mike Tan at beteranang aktres na si Shamaine Buencamino.
Hango sa kwento ng Story of Ruth, bibigyang buhay ni Andrea ang karakter ni Linda, isang ulila na nakahanap ng tunay na pagmamahal kay Manuel. Nang akala niyang ayos na ang lahat, mabubyuda siya nang mamatay ang asawa niya dahil sa aksidente.
Dahil mag-isa sa buhay, pipiliin ni Linda na sumama sa kanyang biyenan na si Gloria (Shamaine) na nagluluksa rin sa pagkamatay ng kanyang anak. Kahit na may maganda na silang samahan ni Linda, pipilitin pa rin ni Gloria na magsimula muli ang una at sasabihing iwan na siya nito. Ngunit makikilala ng dalaga si Ramon (Mike) at mamahalin ito.
Sa direksyon ni Mark Dela Cruz, abangan ang Stories For the Soul ngayong Linggo (Oktubre 29), 11:35 PM sa GMA.
- Latest