Luis may plano na sa magiging pamilya nila ni Jessy!
Umaasa si Luis Manzano na si Jessy Mendiola na ang kanyang pakakasalan.
Nangangarap na rin daw ang aktor na magkaroon ng sariling pamilya kapag mag-asawa na sila ni Jessy. “Of course I’m 36, pero sabi ko nga as always, Jessy is only 24. So I have to consider what she does for her family, so hopefully. I mean I’m a hopeless romantic. The thought of settling down never scared me despite what people think,” makahulugang pahayag ni Luis.
“I just hope one day na pag-uwi mo you have your family, you have your son, your daughter, and your dog, ‘yung gano’n, that’s me. Pero darating ‘yon sa tamang panahon instead of pilit ika nga,” dagdag ng binata.
Kahit kabi-kabila ang ginagawang trabaho ni Luis ay sinisikap naman nitong makasama si Jessy kung may pagkakataon. “I’m really good with time management. Kaya siguro nagtagal din ako sa industriya, 16 years, because I’m never late. I mean if I’m late that means something was really wrong siguro. I just make it a point na for example if I finished early I make it a point to have a quick dinner with Jessy. Or if it’s a late call time, we workout earlier. You have to put on the effort. It’s not going to be spoon-fed or simply given to you. You have to work for a relationship,” paliwanag ni Luis.
Joey Marquez ayaw pagpulitikahin ang mga anak
Ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Winwyn Marquez ang nakoronahan bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2017 sa Miss World Philippines kamakailan.
Kahit tutol noong una sa pagsali sa beauty pageant ay proud na proud naman daw si Joey sa tinatamasang tagumpay ng anak ngayon. Kung ang aktor lamang daw ang masusunod ay hindi niya papayagang pasukin din ni Winwyn ang pulitika. “Sana ‘wag, pinapangarap ko sana ‘wag na. Kasi ang pulitika kahit anong gawin mong tama, masama ka pa rin. So kung gusto niya tumulong, hindi na kailangan pumasok pa sa pulitika at na-experience ko na ‘yan eh. Pwede naman gumawa ng magagandang bagay kahit na wala na ako roon,” paliwanag ni Joey.
Ang tanging pinapangarap lamang daw ng aktor para sa mga anak ay makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng kanya-kanyang propesyon maliban sa pag-aartista. “Kung hangad mo talaga ang tumulong, magagawa mo pa rin naman. Mas mataas pa nga ang sweldo ko bilang artista kahit paano eh. Kaya huwag na lang,” dagdag pa niya.
Ilang taon ding nagsilbi si Joey bilang Alkalde sa Parañaque noon at wala raw plano ang aktor na bumalik sa pagiging pulitiko. “Tapos na ako, ayaw ko na siguro and I think I have served my purpose and my legacy that I left behind is enough,” giit ng aktor.
- Latest