Birthday wish ni Ella para sa pelikula nila ni Julian
Ngayon ang 21st birthday ni Ella Cruz at unforgettable ang pagdiriwang niya ng kaarawan dahil kasabay nito ang grand presscon ng Fangirl/Fanboy, ang launching movie nila ni Julian Trono.
Touched na touched si Ella dahil sa desisyon ng Viva Films at Viva Artists Agency na pag-isahin ang presscon ng Fangirl/Fanboy at ang kanyang birthday celebration, kahit nabigyan na siya ng birthday party noong nakaraang Biyernes.
Walang ibang birthday wish si Ella maliban sa maging blockbuster ang pelikula nila ni Julian. Hindi pa napapanood ni Ella ang kabuuan ng Fangirl/Fanboy pero positive ang mga feedback na naririnig niya tungkol sa official trailer at poster ng launching movie ng JulianElla loveteam.
Mahigit walong dekadang pelikula nahanap sa ibang bansa Darna movie ni Vilma nawawala pa rin
Ang suwerte naman ng mga nakapanood sa restored version ng Zamboanga, ang pelikula ng tatay ni Fernando Poe, Jr. noong 1936.
Ipinalabas ang Zamboanga sa Gala Night ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong Martes sa SM Megamall Cinema.
Imagine, nabigyan ng chance ang mga bisita na mapanood ang isang pelikula na 81 years old na?
Mapalad si Kuya Ron dahil bago siya namatay noong December 2004, napanood niya ang pelikula ng kanyang ama noong binata pa ito.
May nakapagsabi sa akin na puwedeng mapanood sa YouTube ang lumang kopya ng Zamboanga pero iba pa rin ang restored version dahil malinaw ang mga eksena nito at maiintindihan ang dialogue ng mga artista.
Ang Zamboanga ang isa sa iilang Pilipino movies na nawala pero natagpuan ang kopya sa ibang bansa.
Sa totoo lang, marami ang magagandang Tagalog movies na nawala ang kopya o nasira na kaya nakapanghihinayang dahil hindi na mapapanood ng young generation.
Natatandaan ko ang Lipad, Darna, Lipad movie ni Congresswoman Vilma Santos-Recto noong 1973. Isa ‘yon sa mga pinakamaganda na Darna movie na tinampukan nina Gloria Romero, Celia Rodriguez, at Liza Lorena.
Si Mama Gloria ang gumanap na Babaeng Impakta, Valentina si Manay Celia at si Mama Liza ang Babaeng Lawin.
Hindi na makita o mahanap ang kopya ng Lipad, Darna, Lipad na isang trilogy at mga direktor sina Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao, at Elwood Perez.
Ang BFF ko na si Douglas Quijano ang producer ng lost in space na Darna movie ni Mama Vi na ipinalabas sa mga sinehan noong March 1973. Wish ko lang, ma-locate ang kopya ng Lipad, Darna, Lipad dahil tiyak na si Mama Vi ang unang-una na matutuwa.
Juday at Angelica ipinaubaya kina Joross at JC
Binitiwan ni Jun Lana ang pagdidirek sa fantasy movie nina Elmo Magalona at Janella Salvador bago pa magkaroon ng conflict sa schedule niya.
Ipinaubaya ni Papa Jun sa kanyang partner na si Perci Intalan ang direksyon sa My Fairy Tail Love Story dahil nagsimula na ang shooting niya para sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na co-production venture ng Star Cinema at Quantum Films.
May another movie na gagawin si Papa Jun, ang The Nurse na solo movie ni Nadine Lustre. Kung gagawin pa ni Papa Jun ang My Fairy Tale Love Story, may mga project siya na kailangan na isakripisyo kaya to the rescue si Papa Perci.
Nabanggit ni Papa Jun sa launch noong Martes ng mga bagong talent ng The IdeaFirst Company na sina Joross Gamboa at JC de Vera na ang leading men nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban sa Ang Dalawang Mrs. Reyes na isang comedy movie.
- Latest