Sharon at Lea kulelat, Team Sarah milyun-milyon ang napanalunan
Kahit ano pang emote sa social media, si Jona Soquite ng Team Sarah na ang itinanghal na kauna-unahang grand champion ng The Voice Teens matapos siyang makatanggap ng 44.78% ng pinagsamang public text at online votes sa grand finale ng programa noong Linggo ng gabi.
Si Jona ang ikatlong artist ni coach Sarah na nagwagi sa kumpetisyon at tinalo ang mga katunggaling sina Isabela Vinzon ng Kamp Kawayan na nakakuha ng 22.42% ng mga boto, si Mica Becerro ng Team Lea (17.79%), at Jeremy Glinoga ng Team Sharon (15.01%).
“Nakita ko po ngayon, halos kalahati (ng voters) ang naniwala sa akin. Sobrang saya ko po na naipakita ko sa kanila ang tunay na Jona. Maraming maraming salamat po sa lahat,” pahayag ni Jona bilang reaction sa mga pamumuna sa kanya sa social media.
Kinongratulate naman ang solid fans ni Sarah na Popsters na hindi nagpabaya at tumodo talaga para ipanalo si Jona.
Anyway, bilang winner, nagwagi si Jona ng fashion package, business package, dental service package, P1 milyong cash, P1 milyong halaga ng trust fund, P2 milyong halaga ng life insurance, and isang bagong bahay.
Bago ang performance niya ng kanyang winning piece na I Believe I Can Fly noong Linggo ng gabi, ipinamalas ni Jona ang kanyang versatility sa kanyang duet kasama si coach Sarah ng Better Days at pag-awit ng Just Dance ni Lady Gaga.
Obvious na tinutukan ng sambayanan ang unang season ng The Voice Teens kaya’t consistent trending topic ito online at nanguna linggo-linggo sa nationwide ratings.
Pahinga muna kay John Lloyd Sarah magso-solo sa pelikula, gagawin ang Korean hit movie
Speaking of Sarah, sunud-sunod ang blessings ng pop superstar. After ng tagumpay ng pelikulang Finally Found Someone na naka-more than P120 million na after ng four days na showing, ito nga at nanalo si Jona.
This month naman ay sisimulan na ni Sarah ang shooting ng Pinoy adaptation ng Korean hit movie na Miss Granny na may local title na 20 Again. Pahinga muna siya kay John Lloyd Cruz. Magso-solo muna si Sarah. Magiging anniversary presentation ng Viva Films ang 20 Again sa November. “Hindi ko dine-deserve. I feel so blessed! Napakagandang birthday gift, sobra-sobra,” sabi ni Sarah sa TV interview sa kanya after ng airing ng The Voice Teens.
Bea Alonzo nagwala, Cherie Gil at Pilar Pilapil pinababa raw ang mga extra na nakisakay sa service
Kumpirmado na sina Cherie Gil at Pilar Pilapil ang mga aktres na matagal nang naba-blind item na ayaw na may kasama sa kani-kanilang service van kaya pinababa nila ang mga pinasabay sa kanilang co-stars.
Si Nay Lolit Solis ang nag-imbestiga tungkol dito na pinangalanan niya sa kanyang official Instagram account (akosilolitsolis) kahapon.
Si Ms. Cherie raw ayon sa source ni Nay Lolit ay pinababa ang extra na nakasakay sa production van. Habang si Ms. Pilar naman ay kinumpirma na pinababa sa gitna ng daan ang bata kasama ang nanay nito kahit daw nakiusap ang driver ng service van na ibalik na lang sa shooting ang mag-ina para mas madaling makasakay.
Kaya nang malaman daw ito ni Bea Alonzo na bida sa kinabibilangang show ni Ms. Pilar na A Love to Last sa ABS-CBN, nagwala umano ang Kapamilya actress.
Maging si Nay Lolit ay lungkot na lungkot nang may magkumpirma sa kanya ng kuwento.
Wish ni Nay Lolit na magpaliwanag ang dalawang actress lalo na si Ms. Pilar dahil kilala raw niyang mababait na tao ang dalawa kahit na nga mas sumikat silang mga kontrabida at maldita sa mga napapanood nating pelikula at teleserye.
- Latest